Napapagod din
Nanghihina rin,
Pero wag makakalimot
Sa Pangakong angkin.
Hindi ka mauubusan
Hindi ka nakalimutan.
Kahit paulit-ulit,
Kahit minsan masakit,
Magtiwala ka pa rin.
Darating din
Ang nakalaan para sayo.
Maaring
Sa paraang inaasahan
Maari ring
Sa paraang di mo agad ginusto.
Kalma lang, puso.
Tandaan mong
Ang may hawak sayo
Ay Siyang di napagod
Magmahal, maghintay,
At magtupad ng Pangako.