We are a Catholic pro-life youth movement that promotes and defends the culture of LIFE, by leading young people to a life of purity and chastity.

INTERESTING TO READ

ARTICLES

Written by Unknown

Pagsuko

Takot maunahan, takot mawalan, takot sa katotohanan.
Katotohanang hindi ka pa para diyan talaga
Katotohanang tinatawag ka pa niya.
Katotohanang kailangang unahin muna Siya

Paano ka sasagot kung puno ka ng takot
Paano ka sasagot kung ang sarili ay binabalot
Binabalot ng mga pansariling kagustuhan
Binabalot ng pinaniniwalaang kasinungalingan

Ang kabaliktaran ng takot minsan ay hindi tapang
Ang kabaliktaran ng takot ay pwede ring katotohanan
Katotohanang minamahal ka
Katotohanang hindi ka mag iisa

Kaya panghawakan mo ang katotohanang ito
Na magbibigay sayo ng tapang at pagpapakatotoo
Na sundin muna ang pinapagawa Niya sayo
Dahil sa pagsunod na ito, makakamtan mo ang kabuuan ng iyong pagkatao.

Sa pagiging buo duon ka lang makapagmamahal ng totoo.

READ ARTICLES FROM LIVEPURE

Be part of the movement.

Support the Mission